Ang wika ko’y tunog na sa iyo’y may
kahulugan
Langit man ay inabot nang ito ay mapakinggan
Inangkin ng sanlibutan nang magkaunawaan
Naging ilaw na siyang
gabay sa puso’t isipan
May pagkakaiba man sa wikang sinasalita
Ang sa iyo’y Tagalog o iba pang Inang
wika
Ngunit wikang Filipino nama’y di-alintana
Gamit nating linggua franca ay ang
pambansang wika
Wikang
banyaga sa atin ay kinikilala rin
Ingles, Latin at Nippongo mahirap man
bigkasin
Kalakalan, Kaalaman ay napakikinang din
Ating pakalimiin, wika ay naglalakbay rin
Mayaman sa mga wika ang ating Inang Bayan
Ang bawat kapuluan may dayalektong taglay
Hindi maitatatwa, hatid ay kahiwagaan
Ang sakop na pook, yumuko at
nagbigay-pugay
Lalong pinagtibay naman ang
pagka-Pilipino
Ang lahing kayumanggi, nagkaisa’t
taas-noo
Gawain at paniniwala naipahayag mo
Ang sandata mo’y walang iba…wikang
Filipino
Ito ay
kumubli sa isipan at kalooban
Tinalunton at pinag-ugnay buong kapuluan,
Oras ay umikot sa kwento ng buhay ni Juan
Yaong nasa malalayo ay sadyang nasiyahan
Tunay na arbitraryo at buhay ang mga wika
Alalaong-bagay biyaya ng mundong payapa
Lalo’t higit na napayayabong ang ating
wika
At ating naging salalayan ang wikang
banyaga
Gahis sa pangamba, wika natin ay iba-iba
Alin ba talaga nararapat gamitin nila?
Nais lamang timbangin mo, alin mas
mahalaga
Gayunman, pakatantuhin layon ng bawat isa
Mahalaga ang wika mo sa ating katutubo
Ang wikang Filipino nama’y saan man dako
Hinanay sa mga wika, wika ng buong mundo
Ang bawat wika ay may liwanag na parang
sulo
Langit ay umayon, walang wikang angat sa
iba,
Ang Tore ni Babel, malaon ng wasak at
giba
Gawin nating kahapon at huwag nang
buhayin pa
Ang wika mo, wikang Filipino, wika ng
mundo,
MAHALAGA!
Thank you
ReplyDelete